(june 3,2010/wednesday)
Persday ko sa pers work ko (sa tunay na mundo=) na perstaym kong puntahan, naistress ako!=)) Maaga ko gumising..6:00am!yes 6:00am!di ko alam kung dahil ba excited ako o ninenerbyos ako o natatakot ako..dahil bukod sa "bawal pumasok ng may hang-over" at "bawal maglandi" e "bawal ma-late" lang ang naaalala kong RULES na ikinabilinbilinan saken...Umalis ako ng 7:30am, naglaan ako ng dalawang oras para sa paghahanap sa opisina pero siyempre kasama na byahe dun!;) Nag-MRT ako dahil sa pagkakaalam ko mas mabilis daw makakarating sa paroroonan pag nag-MRT..pero MALI!!isang maalaking PAGKAKAMALI!! (timecheck 7:30am) nakapila parin ako...TIK makalipas ang 20minutes nakapila parin siyempre...TAK pagkalipas ng isa't kalahating oras nakapasok narin ako..ooopppss!hindi sa tren sa istasyon palang un..nagantay pa ko ng labing-limang minuto at umasang makakapasok na sa tren pero ak0'y nabigo!Saksi ako kung paano makipagsiksikan at halos makipagpatayan para lang maipasok nila ang sarili nila rito..doon ko lang nalaman na "Buwis Buhay" pala sistema dito (hindi man lang ako nakapaghanda) ,(timecheck 8:15am)lumipat ako sa kabilang banda para mag-round trip sana...mahaba rin ang pila "Buwis Buhay" din ang sistema!(timecheck 9:00am)nakasakay narin sa wakas pero may pangamba paring baka hindi makaabot sa TARGET TIME na 9:30am...dalawang minuto bago dumating si TARGET TIME nakalabas na ko ng tren...e kahit ata sing bilis ko si FLASH e hindi ko maabutan si TRGET TIME eh..kasi hindi ko pa alam kung asaan ang tamang daan!=)) kaya nag-taxi si FLASH!Late man ako tatlong minuto lang..BONGGA diba?=)) hirap talaga pag perstaym,nakakaloka pero exciting!=))
No comments:
Post a Comment